Wednesday, December 7, 2011

RH Bill? Educate PH Bill!


http://media.tumblr.com/tumblr_lvju1asq4A1qijjp0.jpg

RH Bill. Maingay ang usapan na ito sa mga balita, forum, blogs at maging sa commercials! Ano nga ba ang RH Bill? Kung inyong mamarapatin, mas maganda kung ikaw na lang mismo ang mag-search ng nakapaloob dito pero ayon sa pagkakaintindi ko, pino-promote nito ang pag-gamit ng artificial planning method. Marami ding health services ang nakalaan para sa mga buntis etc. Pero tutol dito ang simbahan dahil sa “pro-creation”. Naniniwala sila na ang buhay ang biyaya na di dapat ipinapagkait sa kung sino mang sanggol. Pero ano nga ba ang opinyon ko tungkol dito?
Ako? Hindi ako Anti- at hindi din ako Pro-. Ako ay EDUCATE PH about RH Bill. Corny no? Pero totoo. Kasi sa totoo lang, para sa akin, kahit anong batas ang ipatupad ng bansa, magkaroon man tayo ng RH Bill o hindi, meron pa ding mga Pilipinong tataliwas dito. Ngayon pa lamang, kahit hindi pa ipinag-babawal o ipinapatupad ang pag-gamit ng condom at mga pills eh maraming Pilipino na ang gumagamit. May iba naman na masaya na sa simpleng natural family planning method. Ano bang ibig sabihin ko dito??
Ang sa akin lang, hindi natin o ng kahit sino man, makokontrol ang mga matres at birdie o ang sexual drives ng mga tao sa bansa. May ibang kampante sa artificial, may mga kuntento na sa natural. Sabihin nating hindi lang naman family planning method ang laman ng RH Bill, pero itong parte kasi ang pinagtatalunan kaya ito ang binibigyan ko ng pansin.
Ang gusto kong ipro-pose, EDUCATE PH about RH. Turuan ang mga Pilipino sa mga paraan ng artificial at natural family planning method. Turuan sila kung paano nila mapapalagaan ang kanilang mga sarili at sariling interes sa “pakikipag-sex”. At pag naturuan na sila, hayaan nyo silang mag-desisyon para sa kanila. Walang pwedeng magalit o sumama ang loob kasi sila mismo ang pumili ng makakabuti sa kanila. Sa isang mayaman na pamilya, maaring “go” sila sa natural at sa mga mahihirap na pamilya na hindi kayang sumoporta ng maraming anak, baka mas makakabuti sa kanila ang artificial. Let them assess their own situation in life and let them choose what plan they are most comfortable with. Sa bandang huli, ang kapakanan naman ng mga sanggol at ng mga ina ang nakasalalay dito, hindi ba? And parents know best.

No comments:

Post a Comment